Martes, Oktubre 9, 2012

Noli Me Tangere Kabanata 60 – Ikakasal Si Maria Clara.

Kabanata LX Ikakasal na si Maria Clara Buod Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de EspadaƱa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao. Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de EspadaƱa, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente. Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria. Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-60-ikakasal-si-maria-clara/

Noli Me Tangere Kabanata 54 – Lahat Ng Lihim Ay Nabubunyag At Walang Di Nagkakamit Ng Parusa.

Noli Me Tangere Kabanata 54 – Lahat Ng Lihim Ay Nabubunyag At Walang Di Nagkakamit Ng Parusa. Kabanata LIV Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa Buod Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda. Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento. Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-54-lahat-ng-lihim-ay-nabubunyag-at-walang-di-nagkakamit-ng-parusa/

Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Tanghalian.

Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Tanghalian. Kabanata XXXIV Ang Pananghalian Buod Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian. Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-34-ang-tanghalian/

Noli Me Tangere Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea.

Noli Me Tangere Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea. Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria. Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego. Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista. Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo. Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso. Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala. Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra. Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman. Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha. Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan. Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na.” Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito. Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael. Tanong Bakit hinangad ni Don Rafael na sa ibang bansa mag-aral si Ibarra? Sagot Bilang lalaki nararapat lang na mapag-aralan niya ang ukol sa buhay-buhay nang mapaglingkuran ang bayang sinilangan. Tanong Sinu-sino ang mga Santong pinipintakasi ng mga manlalakbay? Sagot Sina San Roque at San Rafael ang mga Santong dinadasalan sa tuwing naghahangad ng matiwasay na paglalakbay. Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-7-suyuan-sa-asotea/

Batang Bata Ka Pa

Batang Bata Ka Pa (Danny) Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo Yan ang totoo Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan Tanggapin mo na lang ang katotohanan Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam Makinig ka na lang, makinig ka na lang (APO) [chorus 1] Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos pa lamang At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian [ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/a/apo_hiking_society/batang_bata_ka_pa.html ] (Boboy) Batang-bata ako at nalalaman ko ‘to Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan Ngunit kahitganyan ang kinalalagyan Alam mo na may karapatan angbawat nilalang kahit bata pa man, kahit bata pa man (APO) [chorus 2] Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan Sariling pagraranas ang aking pamamagitan Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay Maging tunay na malaya ‘sang katangi-tanging bata (Danny) Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malamn at intindihin sa mundo (Boboy) Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan (Danny) Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam mo na ang lahat na kailangang malaman (Boboy) Sariling pagraranas ang aking pamamagitan (Danny) Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang (APO) La, la, la, la, la, la, la La, la, la, la, la, la, la More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/a/apo_hiking_society/#share

Kahapon, Ngayon, At Bukas

KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS Kalayaan : ama ni Walangtutol. Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas. Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya. Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika. Masunurin : ang babaeng pilipina. Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan) Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya. Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika. Asalhayop : ang mapaglilong tagalog. HaringBata : ang haring Intsik. Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan. Halimaw : ang Kastilang pari. Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom. Nakuha sa http://tl.answers.com/Q/Buod_kahapon_ngayon_at_bukas_ni_aurelio_tolentino

Miyerkules, Oktubre 3, 2012

Sa Tabi ng Dagat

SA TABI NG DAGAT Marahang-marahang manaog ka, Irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, nguni’t walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin... Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-hapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan...

Saan patungo ang langaylangayan?

Ang Saan Patungo ang Langaylangayan? ay isang kuwentong isinulat ni Buenaventura S. Medina, Jr.. Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako. Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari’y lumalaki, at ako’y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa’y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako’y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako’y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?) Ito ang aking mithi: Paglaya. At ako’y nagtatanong: Ano ang paglaya? Ang paglaya’y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya’y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya’y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya’y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili? Sa salamin, ang larawan ko’y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo’y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno’y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo’y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako’y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang – ang makalaya sa kaalipinan. Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito’y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito’y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko’y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano? Sa salamin ay naroon ako. Ako’y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito’y naganap, nawala ang ligaya, nahalili’y hapis. At ako’y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala. Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan. Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki’y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari’y tuluyan nang nawaglit? Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako’y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko’y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso. Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba’t luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa’y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito’y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo’t masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito’y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim. At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki’y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao. Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka’y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. (“Huwag ninyong kakainin ito.” Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya. Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw – naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit – naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin – naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito’y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha. Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba’t sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan – nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.). Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo’y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig (“Hayo at magsupling!”) kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis! Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao. Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan. Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso’y napalutang na ako, kasama ang sa aki’y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok – pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito’y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao. At habang umiinog ang araw – sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo’t laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako’y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.). Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas – tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay. Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko’y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko’y walang tinig.) Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa’t isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito’y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito’y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya! Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito’y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam. Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok. Patuloy ang buhay: pumipintig, kumikilos, humahalakhak sa lahat ng dako ng daigdig. Lumalakad sa lupa, napapatitianod sa tubig, lumilipad sa himpapawid, iyan ang buhay. Patuloy rin ang Tao sa kanyang pakikipaghamok sa sarili at sa daigdig. At ako’y patuloy sa paghahanap ng tunay na paglaya sa kaalipinan sa sarili. Nalikha ang maraming bagay na panghalip sa ibang niyari ng Maykapal. Nakagawa ang Tao ng maraming bagay na wari’y nakaligtaang ipagkaloob ng kalikasan. Sino ang may-ari nito? Tutugon ako, na Taong mapanarili: Ako. Subalit ako’y hindi lamang nag-iisa. Marami ako: libu-libong ako, laksa-laksang ako. At naroroon sa lahat ng dako. Iba-iba ang aking anyo, ugali, wika, iba-iba ang aking larawan. Subalit sa tanaw ng Diyos na lumikha sa akin ay iisang lahat ng ito. Ang Tao’y iisa, iisang kalahatang may iba-ibang tibok at pintig. Nais lupigin ng Taong nakikipaghamok sa sarili ang buong daigdig, ang buong sansinukob. Ang kalawakan ay nais masakop, nais maangkin. Ngayon ay nalikha ang isang kababalaghan. Lumilitaw ang pagkamanlilikha ng Tao, lumilitaw ang kanyang pagka-Diyos – Ito na kaya? Ito na kaya ang kalayaang laon nang hinahanap ng Tao? Ngunit hindi, hindi, hindi pa ito ang kalayaang pagpakilala sa sarili at pagkaunawa sa kahulugan ng buhay. Hindi pa nga ito pagkat hindi pa nakikilala ng tao ang kanyang sarili, hindi pa niya nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay. Bakit? Kinuha sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Saan_Patungo_ang_Langay-langayan%3F