Martes, Oktubre 9, 2012
Noli Me Tangere Kabanata 60 – Ikakasal Si Maria Clara.
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Buod
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-60-ikakasal-si-maria-clara/
Noli Me Tangere Kabanata 54 – Lahat Ng Lihim Ay Nabubunyag At Walang Di Nagkakamit Ng Parusa.
Noli Me Tangere Kabanata 54 – Lahat Ng Lihim Ay Nabubunyag At Walang Di Nagkakamit Ng Parusa.
Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Buod
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.
Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-54-lahat-ng-lihim-ay-nabubunyag-at-walang-di-nagkakamit-ng-parusa/
Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Tanghalian.
Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Tanghalian.
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Buod
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.
Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-34-ang-tanghalian/
Noli Me Tangere Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea.
Noli Me Tangere Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea.
Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na.”
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
Tanong
Bakit hinangad ni Don Rafael na sa ibang bansa mag-aral si Ibarra?
Sagot
Bilang lalaki nararapat lang na mapag-aralan niya ang ukol sa buhay-buhay nang mapaglingkuran ang bayang sinilangan.
Tanong
Sinu-sino ang mga Santong pinipintakasi ng mga manlalakbay?
Sagot
Sina San Roque at San Rafael ang mga Santong dinadasalan sa tuwing naghahangad ng matiwasay na paglalakbay.
Nakuha sa http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-7-suyuan-sa-asotea/
Batang Bata Ka Pa
Batang Bata Ka Pa
(Danny)
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang, makinig ka na lang
(APO)
[chorus 1]
Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos pa lamang
At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/a/apo_hiking_society/batang_bata_ka_pa.html ]
(Boboy)
Batang-bata ako at nalalaman ko ‘to
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahitganyan ang kinalalagyan
Alam mo na may karapatan angbawat nilalang kahit bata pa man, kahit bata pa man
(APO)
[chorus 2]
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya ‘sang katangi-tanging bata
(Danny)
Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malamn at intindihin sa mundo
(Boboy)
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
(Danny)
Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam mo na ang lahat na kailangang malaman
(Boboy)
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
(Danny)
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(APO)
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la, la, la
More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/a/apo_hiking_society/#share
Kahapon, Ngayon, At Bukas
KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS
Kalayaan : ama ni Walangtutol.
Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas.
Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya.
Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.
Masunurin : ang babaeng pilipina.
Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)
Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.
Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.
Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.
HaringBata : ang haring Intsik.
Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan.
Halimaw : ang Kastilang pari.
Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.
Nakuha sa http://tl.answers.com/Q/Buod_kahapon_ngayon_at_bukas_ni_aurelio_tolentino
Miyerkules, Oktubre 3, 2012
Sa Tabi ng Dagat
SA TABI NG DAGAT
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...
Saan patungo ang langaylangayan?
Ang Saan Patungo ang Langaylangayan? ay isang kuwentong isinulat ni Buenaventura S. Medina, Jr..
Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako.
Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari’y lumalaki, at ako’y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa’y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako’y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako’y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?)
Ito ang aking mithi: Paglaya.
At ako’y nagtatanong: Ano ang paglaya?
Ang paglaya’y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya’y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya’y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya’y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili?
Sa salamin, ang larawan ko’y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo’y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno’y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo’y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako’y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang – ang makalaya sa kaalipinan.
Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito’y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito’y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko’y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano?
Sa salamin ay naroon ako.
Ako’y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito’y naganap, nawala ang ligaya, nahalili’y hapis. At ako’y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala.
Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan.
Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki’y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari’y tuluyan nang nawaglit?
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako’y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko’y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso.
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba’t luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa’y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito’y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo’t masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito’y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim.
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki’y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao.
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka’y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. (“Huwag ninyong kakainin ito.” Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya.
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw – naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit – naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin – naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito’y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha.
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba’t sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan – nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.).
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo’y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig (“Hayo at magsupling!”) kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis!
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao.
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan.
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso’y napalutang na ako, kasama ang sa aki’y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok – pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito’y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao.
At habang umiinog ang araw – sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo’t laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako’y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.).
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas – tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay.
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko’y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko’y walang tinig.)
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa’t isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito’y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito’y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya!
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito’y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.
Patuloy ang buhay: pumipintig, kumikilos, humahalakhak sa lahat ng dako ng daigdig. Lumalakad sa lupa, napapatitianod sa tubig, lumilipad sa himpapawid, iyan ang buhay. Patuloy rin ang Tao sa kanyang pakikipaghamok sa sarili at sa daigdig. At ako’y patuloy sa paghahanap ng tunay na paglaya sa kaalipinan sa sarili.
Nalikha ang maraming bagay na panghalip sa ibang niyari ng Maykapal. Nakagawa ang Tao ng maraming bagay na wari’y nakaligtaang ipagkaloob ng kalikasan. Sino ang may-ari nito? Tutugon ako, na Taong mapanarili: Ako.
Subalit ako’y hindi lamang nag-iisa. Marami ako: libu-libong ako, laksa-laksang ako. At naroroon sa lahat ng dako. Iba-iba ang aking anyo, ugali, wika, iba-iba ang aking larawan. Subalit sa tanaw ng Diyos na lumikha sa akin ay iisang lahat ng ito. Ang Tao’y iisa, iisang kalahatang may iba-ibang tibok at pintig.
Nais lupigin ng Taong nakikipaghamok sa sarili ang buong daigdig, ang buong sansinukob. Ang kalawakan ay nais masakop, nais maangkin. Ngayon ay nalikha ang isang kababalaghan. Lumilitaw ang pagkamanlilikha ng Tao, lumilitaw ang kanyang pagka-Diyos – Ito na kaya? Ito na kaya ang kalayaang laon nang hinahanap ng Tao? Ngunit hindi, hindi, hindi pa ito ang kalayaang pagpakilala sa sarili at pagkaunawa sa kahulugan ng buhay. Hindi pa nga ito pagkat hindi pa nakikilala ng tao ang kanyang sarili, hindi pa niya nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay. Bakit?
Kinuha sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Saan_Patungo_ang_Langay-langayan%3F
Biyernes, Setyembre 14, 2012
Sa Bagong Paraiso
Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang
tag-araw.
Pinagkunan sa http://tl.answers.com/Q/Buod_ng_kuwentong_Sa_Bagong_Paraiso_ni_Efren_Abueg
Kanlungan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/n/noel_cabangon/kanlungan.html ]
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/n/noel_cabangon/#share
Buod ng Dekada 70
Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan.
Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan.
Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules.
Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.
Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason.
Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.
Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame.
Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal.
May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.
Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.
Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.
Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."
Pinagkuhaan sa http://tl.answers.com/Q/Buod_ng_nobelang_Dekada_70_ni_Lualhati_Bautista
Miyerkules, Agosto 29, 2012
Buod ng Kahapon, Ngayon at Bukas
Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.
Linggo, Agosto 26, 2012
Ang Guryon
"Ang Guryon"
ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
Sabado, Agosto 4, 2012
Buod ng Ibong Mandaragit
Nagsimula ang unang kabanata sa paglubog ng araw sa kagubatan. Narating ni Mando Plaridel - at ng dalawang pa niyang kasama - ang bahay-kubo ni Tata Matyas na nasa bulubundukin ng Sierra Madre. Si Tata Matyas ay isang dating rebolusyonaryo na nakibaka laban sa mga Kastila at Amerikano. Ang mga kasama ni Mando ay sina Karyo at Martin, na mga kapwa gerilyero rin. Tumakas sila mula sa isang bigong pakikipagtunggali laban sa mga sundalong Hapones na lumusob sa kampo nila sa Sampitan. May mga tatlo o apat na buwan na ang nakaraan ng huling dumalaw si Mando sa tirahan ni Tata Matyas. Noong huling pagbisita ni Mando kay Tata Matyas ay nakapagpalitan sila ng mga usapin hinggil sa kanilang mga sariling suliranin, at maging tungkol sa simulain nila sa kilusan. Napagusapan din nila ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, lalo na ang kinahinatnan ng kayamanan ni Simoun (ang pangunahing tauhan sa El Filibusterismo) matapos na itapon ang mga ito ni Padre Florentino (isa pang tauhan sa El Filibusterismo). Ayon kay Tata Matyas, magagamit sana ang kayaman ni Simoun bilang panustos sa mga pangangailangan ng mga gerilya. Naniniwala si Tata Matyas na totoo ang mga tauhan sa mga nobela ng bayaning si Jose Rizal, sapagkat kilala ng kaniyang mag-anak ang tunay na “Padre Florentino”. Kung bata pa lamang siyang katulad ni Mando ay sisisirin niya ang dagat para hanapin ang nawawalang kahang-bakal ni Simoun. Naniniwala rin si Tata Matyas na ang lahat ng mga bayani – bukod pa kina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini – ay dapat na maging huwaran ng mga mamamayang Pilipino.
Hinanap at natagpuan ni Mando – mula sa karagatan sa may Atimonan - ang kayaman ni Simoun sa tulong ng mapang ipinagkaloob ni Tata Matyas. Ngunit, sa kabila ng kabutihang palad na ito, namatay sina Karyo at Martin. Sinalakay si Karyo ng isang pating, samantalang si Martin naman – dahil sa pagkanais na masarili ang natuklasang kayaman - ay namatay sa pamamagitan ng mga kamao ni Mando.
Nang matapos ang digmaan ay nagbalik nga ang kapayapaan, ngunit nagbalik din ang mga dating pamamalakad ng mga mayayaman at maylupa. Kung kaya’t hindi nawala ang paksang panlipunang iniharap sa pamahalaan, sa mga asendero at sa mangagalakal ng mga samahan ng mga magsasaka sa bukirin at ng mga manggagawa sa lungsod.
Nangibang-bayan si Mando upang ipagbili ang mga kayaman at nang maging salapi, sapagkat bago siya umalis ay nagtatag siya ng isang pahayagan, ang Kampilan. Dahil sa kaniyang paglisan mula sa Pilipinas, ipinagkatiwala niya ang pagpapalakad ng Kampilan kay Magat, na isa ring dating kagerilyero. Tatakbo ang imprenta sa tulong din ang iba pang dating mga naging gerilya, katulad nina Tata Matyas, Andres, Rubio, at Dr. Sabio. Si Dr. Sabio naman, na dating guro, ay nangako kay Mando na paiinamin ang mga bagay na itinuturo sa paaralang Freedom University (Pamantasan ng Kalayaan), na itinatag din ni Mando, para sa ikabubuti ng kabataan. Ang huli ay isa rin sa mga tagubilin ni Mando, bago maglakbay sa Europa at Estados Unidos.
[baguhin]
nakuha sa www.wikipedia.org
Biyernes, Agosto 3, 2012
Kabanata 60
Noli Me Tangere Kabanata 60 – Ikakasal Si Maria Clara
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Buod
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Nagmula sa Www.wikipedida.org
Simula ng Noli Me Tangere
Kabanata 7:
Suyuan sa Asotea
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa Beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrero upang hindi maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
nakuha sa www.wikipedia.org
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga tauhan ng Noli Me Tangere'
Juan Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Don Anastacio o Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Victorina de de Espadaña - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang
Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
nakuha sa www.wikipedia.org
Buod ng NOLI ME TANGERE
Buod ng aklat na Noli Me Tangere
May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May humahanga at natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiyago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiyago sa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiyago bago at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura’. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya, makatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.
Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo pa ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw ang salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Ang sinasabing curfew ay alas nueve lang ng gabi.
Maraming katangian si Sisa… mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa asawa ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamang kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang takot lalo pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang bilang pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malamang wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ng kusinero.
Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.
May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayunam’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi. Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa nang dalawang oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't pakana lamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang nagging dahilan ng kanyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang magkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya’t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.
Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sa bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong Pilipino ng tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang mayayaman at mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sa buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng nagmisa at naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas at kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kanyang humor sa pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan tiyago at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan tiyago na putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiyago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulinniya nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.
Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang magbigay-galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.
Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan siyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa ang napagbalingan niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y ang pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang pagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kanya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tibucio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito… si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lamnag ang inamalita niyong pagdadalantao.
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito. Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant si Maria Claa pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kanya inihanda ni Tiya Isaabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kanya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kay, gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nakasalubong, lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Samantala, nagtaka si Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardia civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kanyang angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan Pablo.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t tatlong –daan taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay padre Salvi ay natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya ang isang malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para madakip at mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng taong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiyago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang pala-palgay o sabi sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting lalaking may pilat sa bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang malapit nang mamatay.
Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na imbestigahin sina tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kanyang amang pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lamng walang nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na ang bersyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak ng tao. Kadalsan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang nakapagpapahamak sa kapwa.
Ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa ng tsimis ang dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya sa bilangguan at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.
Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tungisan sa lawa. Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lamang si Ibarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra’t Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.
Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang kanyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara.
nakuha sa www.wikipedia.org
Lunes, Hulyo 23, 2012
Talambuhay ni Dr.Jose P. Rizal
Edukasyon ni Rizal
Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando Poe Jr. dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalawang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student), Tribune, Decurion, Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech, naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabela de Manila para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila.
[baguhin]Mga Akda
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang El Filibusterismo na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886)at Noli Me Tangere , sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng EL FILIBUSTERISMO. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
[baguhin]Buhay Pag-ibig
Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-isang na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason. Una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(Jacinta Laza).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Velasquez at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.
[baguhin]Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan,Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
[baguhin]Ang Pagpatay kay Jose Rizal
Pagbaril kay José Rizal sa Bagumbayan.
Noong 1896, natuklasan ang lihim ng KKK, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Ferdinand Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultor escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
nakuha sa www.wikipedia.org
Biyernes, Hulyo 13, 2012
Jaguar
Jaguar(KUWENTO)
Oras ng labasan. Nagbu-bundy clock ang mga papalabas na mga MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy clock. Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama syang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga trabahador. Ang mga lalaki'y kinapkapan ni Poldo. Dadaan si SONNY, may bitbit na attache case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ng trapik. Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: relaks lang muna kayo riyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng salaming pinto.
EXT. GASTON PUBLISHING HAPON.
Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny. Saka sasarhan ang pinto matapos makaayos ng upo si Sonny.
POLDO: Sir, sa Linggo, ha? Baka nyo makalimutan.
SONNY: Ano'ng sa Linggo?
POLDO: Yung piyesta sa'min.
SONNY: Piyesta..a, oo. Hindi ko makakalimutan 'yan.
Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo patungo sa labasan ng driveway. Pasenyas- senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny.
EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI
Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa harapan at lob ng mga bahay- bahay, MARAMING nagkakainan, nag-iinuman, at nagkakaingayan.
EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI
Nakatayo si POLDO sa harap, may inaabangan at mukhang inip na inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng beeer at kakaunti na ang laman. Sa background, MAY MATANDANG MAG- ASAWA AT DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang mahabanh bangko kumakain. Kinakausap ng TIYUHIN ang matandang lalaki. Ang tiyahin ni Poldo at si MARISSA ay may dalang nga bandehado ng mga ulam at nag-aalok ng mga bisita na kumuha pa. Tinutukso-tukso ni totoy ang dalawang apo- kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga. Nasa isang tabi ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon, walang nakapatong na mga kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako. Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak na bote. Lalapitan ang mahabang dram. Ititindig ang basyo sa tabi ng dram. Hahawiin ang saka. Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha si Poldo ng isang malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang tansan. Tututungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo. Sa background ay makikitang lumalabas sa pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang isang pulutong ng mga kaklase. Maingay at masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa.
INT. BAHAY NI POLDO. TANGHALI
Sa mesa ng komedor-kusina, nakalatag ang maraming pang ibang bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si ALING ELENA, naghuhugas ng pinggan.
ALING ELENA : Wala pa ba ang nga bisita mo, Poldo?
POLDO : (Ngumu-nguya) Wala pa ho, e.
MARISSA : Hindi kana siguro sisiputin no'n kuya. Class yata yong boss mo, e. Hindi 'yon ang tipong tumutuntong sa barung-barong.
POLDO : Oy, wag ka ngang sumali sa usapan ng matatanda, ha? MARISSA : Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos nalang ang binili mo, Tayu-tayo lang pala ang iinom.
POLDO : Ako ba'y talagang niloloko mo?
ALING ELENA: Poldo, kumain kana. Pasado ala-una na, baka ka malipasan. Tapos na kaming lahat.
POLDO : Kumakain na nga ho. Ano pa ba 'tong ginagawa ko? ALING ELENA : Ba't hindi ka kumuha bg pinggan at umupo nang maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni hindi ka nagkakakain. Ang dami naming kanin diyan.
Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN mula sa labas.
TIYUHIN : (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! (sa mas mahinang boses) Tuloy na ho kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida samahan mo ang mga bisita ng kuya mo.
Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipapahid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad-takbong pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si Aida, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY, EDMON, JING at BOSYO. Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky.
POLDO : Tuloy kayo, tuloy. Akala ko hihiyain n'yo ko e. SONNY : (inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Pwede ba 'yon? Eto nga't may pasalubong pa ako.
POLDO :' Nay mga….kaibigan ko…Boss ko ho, si…a…si Sonny. ALING ELENA : Magandang tanghali po.
SONNY: Magandang tanghali po naman.
ALING ELENA :O, Poldo, bigyan mo ng mga pinggan yang mga bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. 'Yong mga napkin, ilabas niyo.
Habang kumukuha ng mga pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa pag-iistima sa kanila. Excited sya, tuwang-tuwa. Si Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman ay parang pulitikong nasa kanyang balwarte.
POLDO : Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay. Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon, abot lang. Bosyo.
SONNY : O, Cristy, tikman mo raw 'tong morkon. Ikaw Poldo, huwag kang mahihiya,ha? Feel at home.
EXT. BAHAY NINA POLDO. HAPON.
Malakas ang tawanan, parang karugtong ng tawanan sa nagdaang sequence (Eksena). Nagtawanan ang mga LALAKING BISITA ni Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila sa magkaharap na bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na na may lamang halos tunaw nang yelo; isang bandehadong pulutan. Nakatayo si Poldo sa may likuran ni Sonny, parang anghel de la guwardiya. Sa background, makikitang nakabukod si Cristy, kinukwentahan at iniistima ng husto ng Ina at mga kapatid ni Poldo. Nakikinig lang si Cristy.
DIREK : (Iaabot kay Poldo ang mangkok)Wala na tayong yelo, Jaguar.
Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta si Sonny - wala sya sa tono.
SONNY : " Si Bosyo kung umihi, sumasagitsut pa nang konti.."
Hagalpakan na naman ng tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga
hiyawan at pagkaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat sa pinagmulan ng ingay. )
POV (point of view) NINA POLDO DALAWANG MATON nagmumurahan, naggigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang iba pang tambay at maton, nagmimiron, nanunulsullsol. Puro lasing ang mga ito. BALIK KINA POLDO Nakatingin pa rin ang lahat. Nakatayo na si Sonny.
SONNY : Ano 'yon?
POLDO : Wala 'yan. Talagang ganito dito kung piyesta- hindi nawawalan ng gulo.
BALIK SA MGA MATON Biglang susugod ang ang isang MATON. Magkakasutunkan na ang dalawa. Titilapon si TAMBAY 1 sa hanay ng mga KABARKADA ng kalaban niya. Magsusuguran na rin ang mga barkada ni Tambay 1. BALIK KINA POLDO. Nakatayo na rin si Direk sa tabi ni Sonny..
SONNY : Labu-labo na brod.
DIREK : Oo nga, brod.
Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso, pagpipingkiin ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang iidiyan na hihiyaw ang dalawa-"Yahoo!"- at mabilis na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga si Poldo. Saka magmamadaling iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: eto na naman po kami. Patuloy lang sa pag-inom sina Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba. Takot at nininerbiyos si Cristy.
CRISTY : Sira-ulo talaga ang mga 'yon.
JING :Magpapawis lang ang mga 'yon. Mag-aalis lang ng lasing.
EDMON :'Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble
CRISTY : Walang frat- frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran.
Sa labu-labo, nakaawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa kasusunod ni Poldo, masusuntok sya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget nya. Sa halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa putikan, may biglang maaalalasi Poldo. Ilalabas nya ang silbato sa bulsa. Sisibato siya ng malakas at sunud-sunod. May mga sisigaw ng "Parak! Parak! Magpupulasan ang mga naglalabu-labo. Maiiwan sina Sonny, Direk at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapaangil na rin si Poldo.
INT. BAHAY NINA POLDO. GABI
Nasa harap ng salamin si Poldo. Naglalagay ng merthiolate sa mga pasa-pasa sa mukha. Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa bangerahan, naghuhugas, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa sahig si Totoy, tulog.
MARISSA:Kuya, tulungan mo naman kami dito.
POLDO: Kayo ang babae, kayo ang maghugas.
AIDA : Bisita mo ang gumamit nito a! Habang nagaganap ang pag- uusap na ito, papasok si aling Elena. Bubuhatin niya si Totoy at panunuorin si Poldo.
ALING ELENA : Bakit naman ganun yung mga bisita mo, Poldo? Naturingan pa namang may pinag-aralan e nakikihalo sa may gulo ng me gulo? POLDO : Nakainom lang ho 'yon.
ALING ELENA : At bakit pati naman ikaw e nagsasasali? Mga tagarito pa sa'tin ang inaway mo.
POLDO : Amo ko ho 'yong napalaban, Inay, kelangan e damayan ko. Trabaho ko ho 'yon.
ALING ELENA : Aba'y trabaho na pala ang basag-ulo? Kung ganyan rin lang, mabuti pa e maghanap ka na ng ibang trabaho.
Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina.
POLDO : Inay, hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang swerte na ako. ALING ELENA : Suwerte?
POLDO : (tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo may amo akong ang turing sa akin e kaibigan. May kaya 'yan, may tinapos. Ako hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin sa'kin, pantay lang.parang kapatid.
MARISSA : Kapatid ba 'yong lagay na 'yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka ke,e. Saglit na matititigilan si Poldo. Pagkatapos ay babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata.
POLDO : ( NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag kang makikihalo sa usapan ng matatanda.
nakuha sa www.wikipedia.org
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)